Total Visitors:
Results

Takpi ang Ulo Lyndon!
Author:
Competency:
Dexter E. Saberola
Nauunawaan ang tekstong naratibo (tula, dula, maikling kuwento, at siyensiyang piksyon)
a. Natutukoy ang mahahalagang detalye
b. Naibibigay ang kahulugan ng kilos at pahayag ng tauhan
c. Nahihinuha ang damdamin at kilos ng tauhan
d. Naibibigay ang opinyon at reaksiyon sa ikinilos ng tauhan
Kuwento ng dalawang lalaking mag-aaral na nakaranas ng lindol, isang uri ng natural na sakuna. Ipinakita nila ang mga hakbang na kinakailangang gawin sa pagharap sa lindol katulad ng pagtakip ng mga kamay sa batok at ulo, pag-iwas sa mga gamit na maaaring mahulog at iba pa. Gayundin, ipinamalas nila ang kultura ng pagtulong sa nangangailangan at tunay na pagkakaibigan sa oras ng sakuna. Mula rito, ang nasabing kuwento ng dalawang lalaking mag-aaral ay bahagi ng karanasan at presentasyon ng isang pilay na creative staff ng panlunsod na tanggapan ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) bilang tugon sa kanilang disaster awareness campaign.

Ang Kuya Kong Assistant
Author:
Competency:
Albert A. Aureada
Nakapagsasanay sa pagiging matapat sa pamamagitan ng angkop na paglalahad ng tunay na saloobin sa mga kasapi ng pamilya
Kuwento ng dalawang magkapatid na si Leng-leng at Kuya Aba. Palaging nagtataka si Leng-leng kung bakit palagi at maagang umaalis si Kuya Aba.

Isa, Dalawa, Tatlo... ay mga tuta!
Author:
Competency:
Maria Judeia N. Tavas-Gacosta
Q1.16 Match numerals to a set of concrete objects around me.
Si Mingming ay nakakita ng asong buntis at hindi niya alam na malapit na itong manganak. Ano kaya ang ginawa ng pamilya ni Mingming sa aso? Ilan kaya ang naging anak ng aso? Alamin natin sa kuwentong ito.

Mga Tuldok na Pangarap
Author:
Competency:
Larrywel A. Enriquez
F5PN-IIj-12 – Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa napakinggang teskto
Kuwento ng isang bata na nais sumali sa paligsahan ng pagdrawing sa kanilang paaralan ngunit wala siyang gamit kagaya ng kanyang mga kaklase kagaya ng krayola, watercolor at bond paper.

Ang Stapler ni Nanay
Author:
Competency:
Mary Grace V. De Galicia
EsP5P-IIf-26 - Nakapagpapaubaya ng pansariling kapakanan para sa kabutihan ng kapwa
Kuwento ng isang ina na abala sa paaralan upang magbigay ng modyul, magkompyuter, magstapler ng mga print na papel at kausapin ang mga magulang. Hanggang sa nasira ang stapler at biniyak ni Nico ang kanyang alkansya upang ibili ito ng bagong stapler ng kanyang ina.





